
I was really kind of shocked to find out that this is 100% computer generated. Parang tunay na talaga sya...
Anyway... Kahapon umuwi ako sa Cavite after my classes, birthday kasi ni Mikolo e. Best friend ko yun sa dati kong skul... Kaya ayun, kahit may klase ulit sa Maynila, umuwi ako. May konting salu-salo kina Mikolo noon, tapos lumipat kami kasi si Diego, na kaklase nya ay kasabay pala niya ng Birthday. Dun kami tumambay buong hapon. Ang saya namin nun, grabe. May inuman pa... Tapos may nakilala ako kasi kasama ni Cheska (*dating kaklase) na "Krizzy" ata ang pangalan. Kursunada ko, pero di ko nakuha number... awww... iba talaga ang kabitenya hahahaha.... (oopss... dedz ako)
Ngayon, gumawa ako ng clay. Nakakatuwa paglaruan, kaya lang humahawa sa kamay yung kulay...
May isang palaisipan na nasa utak ng ko. Kung ikaw ay binato ng bato, at nilanghap mo ito, ano ka? Hilo? (*fck random nonsense)
Isa pang dapat kong ayusin, I must fix my state of mind. I've been quite confused lately... I need time off...
btw, nakapagtataka. Sa UPCAT reviewer ko, nung kinuha ko, 7/25 ako sa arithmetic, pero 19/20 ako sa Physics at Chem. Weird...
Pagpasensyahan na lang ako ng kung sino man na nagugulo ko. Magulo ako ngayon... Un p lng kc alam kong release activity...
Sa ibang balita,
Ayusin ko muna research namin... next post after i return from cavite.
Awit ni Maria ClaraWalang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.
Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina
Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,
Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,
Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya.Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
Ang mahinhing simoy ns galing sa bukid ay lubhang mapanglaw
Sa wala nang ina, wala nang tahana't walang nagmamahal
Bigla ko lang yang nakita... Well, its so nice... Yung last two lines, ang translation:
Death is the breeze for him who has
no country, no mother, and no love!
Emo na pala ang mga tao noon...
Sige na. I need rest...
-I still believe that even if the darkest clouds come, even if Mount Pinatubo blackens the sky, the sun of progress and wisdom will still shine upon my country.




